Drug personalities, timbog sa ginanap na pot session sa Valenzuela

Share this information:

NASA 10 hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot, ang hahantong sa kulungan matapos maaktuhan ang mga ito na gumagamit ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa ulat na isinumite report ni PCpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activity sa Block 4 C. Molina St., Brgy. Viente Reales.

Kaagad naman bumuo ng team ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSgt. Samson Mansibang sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Joel Madregalejo saka nagtungo sa naturang lugar upang magsagawa ng validation.

Pagdating sa naturang lugar dakong alas-9 ng gabi, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang barracks na nagresulta sa pagkakaaresto sa kay Cris Gared Polangcos, 26, demolation team, Michael Morano, 27 anyos, isang construction worker, Dionisio Afante, 36 anyos, electric rewinding motor specialist, Romel Francisco, 25 anyos, construction worker, at Eduardo Gaban, 39 anyos, na isa ding construction worker.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga at ilang drug paraphernalia.

Nauna rito, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang maaktuhan din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PSSgt. Gabby Migano sina Julius Muyo, 32 anyos, Patricio Ringor, 39 anyos, Meschiary Mercado, 22 anyos, Jose Ringor Jr., 41 anyos, at Jay-Ar Bacalando, 24 anyos, na gumagamit ng ilegal na droga sa Blk 22 Lot 11 Northville 2, Brgy. Bignay.

Ayon kay PCpl. Pamela Joy Catalla, nakuha sa mga suspek ang isang cut opened transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 1 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P6,800 ang halaga, at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.