Drug dealer, patay sa Maynila; P1.6-M halaga ng ilegal na droga, narekober

Patay ang isang distributor ng ilegal na droga nang manlaban umano sa mga operatiba sa isinagawang  buy bust operation Biyernes ng madaling araw sa kahabaan ng Riverside Drive, Lawton, Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat ng pulisya kinilala ang napatay sa alyas “Kuya.”

Nauna rito, nagsagawa ng follow-up drug joint operation ang Ermita Station Drug Enforcement Unit at Special Operations Unit sa nasabing lugar na nagresulta sa isang armed encounter at agarang pagkamatay ng suspek.

Una umanong nagpaputok ang suspek kaya napilitan ang mga operatiba na gumanti ng putok hanggang sa tamaan ang suspek at bumulagta.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang higit-kumulang 800 tableta ng hinihinalang party drug Ecstasy na nagkakahalaga ng 
P1,360,000.00 pesos at dalawang heat-sealed plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga naman ng P340,000.

Nakuha rin sa suspek ang isang kalibre .45 baril at P5 libong buy-bust money.

Nakatakas  naman ang kasamahan nito na nakilalang si Ish Aguilar sakay ng SUV.

Napag-alaman na ang mga suspek ay kilalang distributor ng illegal drugs sa NCR at kalapit na probinsya  kung saan kinukuha ang suplay sa mga foreign national at kaibigang Filipino.

Si Ish ay  nakakagawa lamang umano ng transaksyon sa pamamagitan ni alyas “Kuya.” 

Napag-alaman din na ang mga suspek ay mga nakatakas sa isinagawang raid sa Cainta, Rizal kung saan nadiskubre ang kitchen type na nakatagong laboratoryo at pagkakumpiska ng iba’t-ibang droga at paraphernalia.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.