Drilon, Angara sasabit sa kasong “obstruction of justice” sa budget cut ng PAO – Gadon

POSIBLENG makasuhan ng “obstruction of justice” sina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara dahil sa ginawa umano nitong pagtapyas ng badyet ang Public Attorney’s Office (PAO) sa ilalim ng 2021 national budget.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, isa sa mga legal counsel ng Forensic Laboratory Division ng PAO, ang umano’y pagtutulak ng dalawang senador na matapyasan muli ang pondo ng PAO ay ilegal at unconstitutional sa ilalim na umiiral na batas ng General Appropriations Act o GAA.

“It’s very clear na “unconstitutional” at ilegal yan dahil under pa lamang sa Civil Sservice Law, hindi ka puwede magtanggal ng empleyado na walang sapat na dahilan, walang valid grounds. Constructive dismissal tawag diyan, walang kalaban-laban ang mga tatanggalan mo ng trabaho na wala namang ginagawang paglabag sa batas kundi ang gawin ang nararapat nilang trabaho at yun ay tumulong sa nangangailangan,” pahayag ni Gadon.

Sinabi pa ni Gadon na hindi nakapagtaka kung ginawa ni Drilon ang pagpapatapyas  ng pondo ng PAO dahil sanay umano ito bilang isang dating labor lawyer.

Ang bagay na yan ay alam na alam naman yan ni Senador Drilon eh, alam nyo kung bakit? Si Senator Drilon bago siya pumasok sa gobyerno ay dating labor lawyer yan, specialization nga n’ya ay itong labor kaya alam n’ya ‘yan,” giit ni Gadon.

Si Drilon din umano ang isa sa mga abogado ng ACCRA Law firm na siyang humawak sa Sanofi Pasteur, ang French Pharmaceutical company na gumawa ng “Dengvaxia” vaccine.

Naniniwala pa si Gadon na layong lamang na mapilayan ang PAO kaya’t inaalisan ito ng pondo na pang-sweldo sa mga doktor at pang-operate sa Forensic Laboratory, na siyang nangunguna sa pagsasagawa ng forensic autopsies sa mga batang namatay dahil umano sa Dengvaxia.

“Mananawagan lang muna po kami sa Kongreso na huwag nilang payagan ang insertion na yon at mananawagan na din kay President Duterte na i-veto n’ya yon at ipabalik ang budget sa PAO,” giit pa ni Gadon.

“Ang budget naman po ng PAO ay naka bundle sa Department of Justice and the DOJ is a department under the office of the president so pwede naman ipa veto yun ni president Duterte at ipabalik nya ang budget. May magagawa pang remedy diyan,” paliwanag pa ni Gadon.

“Paano mo pakikilusin mga yan kung wala ng budget? Alangan namang kumilos sila na sarili nila ang gastos, e hindi naman tama yon, although meron tayong gusto natin na ipatupad ang batas at makamit ang katarungan hindi naman ibig sabihin na pati sila e magsakripisyo pa na gumastos din,” dagdag pa nito.

Kung sakali anya na lusawin o ma-dissolve ang departamento ng Forensic ay hindi na umano makaka-testigo ang mga doktor ng PAO sa dati nilang kaso at duon na papasok ang reklamong obstruction of justice laban sa dalawang senador.

Kasabay nito, inihayag ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na sumulat na sila kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maipa-veto ang probisyon na nagbubura sa alokasyon ng Forensic Laboratory ng PAO sa ilalim ng 2021 GAA.

Sobra na ang panggigipit – Acosta

Hindi naitago ni Acosta ang galit nito sa panggigipit sa pondo ng PAO na nagagamit naman sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan.

Ayon kay Acosta, kada taon ay nasa 13 milyong indibidwal ang natutulungan ng PAO.

“Hindi lang ang Pangulo kundi ang PAO ang sandigan ng mga maralitang Pilipino. Nakagagalit talaga. Sobra na tayong dinidikdik. Tapak-tapakan? Bakit hindi kami mayayaman? Hindi kami oligarch? Anak ako ng magsasaka? Anak ako ng mananahi? Eh ano? Sobra kayong manlait. Kapag ito nawalan ng work, parang pinatay mo na ang pamilya nyan,” diin ni Acosta.

“Kaya hindi matapos tapos ang insurgency, dahil ang maralitang Pilipino hindi parin makumbinsi ang lahat ng nasa mga gobyerno ay tapat sa tao, makabayan, maka bansa, makahirap, hindi natin masosolve yan, ilan taon nako sa PAO, dalawang dekada na akong tumutulong sa peace process at peace talk,” ani Acosta.

“Paano ako paniniwalaan ng mga mahihirap na nasa bundok na bumaba kayo at magbalik loob sa gobyerno kung ganito ang ginagawa nila sa mahihirap, sayang ang sweldo hindi nitong mga tao ko dahil nagtatrabaho sinong sayang ang sweldo? Edi yung umaapi sa mahihirap,” emosyonal na sambit ni Acosta.

“Pasensya na po kayo, at talagang ako pigil na pigil ako sa isyu na ito e, hindi na sa husgado ang labanan ngayon e, termination by legislation baka isang araw wala na rin akong sweldo, wala na akong maitutulong sa mahihirap,” dagdag pa ng opisyal.

Pag-abuso sa kapangyarihan

Isa rin sa mga kumondena ng husto kina Drilon at Angara ay si Dr. Erwin Erfe, ang namumuno ng forensic team division na ayon sa kanya, isang baluktot at hindi makataong pagnanais na alisan sila ng trabaho.

“This is brazen abuse of power, na ibinigay ng taumbayan kay senator Drilon at Senator Angara, this sets a dangerous precedent na kahit sinong civil servant, career or official ay pwedeng tanggalan ng sweldo ng ating mga senador, ganun kabilis lang po tanggalan ng trabaho, tanggalan ng sweldo tanggalan ng operating expenses ang isang opisina,” ani Erfe.

Iginigiit ni Erfe na simula pa ng taong 2004 nagsimula ang forensic laboratory ng PAO at napakarami na umanong nabigyan ng tulong sa mga pamilya partikular ang mga naging biktima ng dengvaxia.

“Napakarami na po naming natulungan, libo-libo na po and we consider this as laban ng PAO forensic lab team at mahigit 4,000 na mga empleyado ng PAO at mas laban ito ng mahigit 13 milyong kliyente po ng PAO,” dagdag pa ni Erfe.

“Kaawa awa po ang taumbayan kung patuloy tayong meron na mga pulitiko na nakaupo tulad nilang dalawa, na kitang kita naman ang kanilang pagmamalabis sa kanilang kapangyarihan, ang kapangyarihan po ay ibinibigay ng taumbayan hindi yan sa inyo, kaya dapat mamulat na ang taumbayan,” saad pa ng duktor.

Unconstitutional rider

Samantala, tinawag naman ng abogadong si Glen Chiong, na “unconstitutional rider” sila Drilon at Angara.

Paliwanag ni Chiong, ang forensic division ay kinikilala ng Department of Budget and Management (DBM) mula ng itaguyod noong 2004 dahil kasama sa pinabibigyan ng budget sa ilalim ng GAA.

“2004 pa po binuo ang forensic laboratory service by the authority of Department of Budget and Management (DBM), this was always in the General Appropriations Act, tapos sisingitan ng unconstitutional rider?” ani Chiong.

“Ang batas ay isang subject matter lang, hindi pwedeng iba, hindi pwedeng singitan ng iba because that is called a “rider”, sumakay lang. In my professional opinion, ang purpose ng provision na ito at sinabi dito “nothing in the appropriation provided in this act shall be use for salaries and compensation of personnel, travel, allowance, meetings, maintenance and other operating expenses of the PAO-forensic laboratory division,” paliwanag pa ni Chiong.

“Specific po ang target, ang target po ay ang PAO, that is clear constructive dismissal under section 2 of RA 6656 or the civil service law, hindi pwedeng tanggalin ng walang valid reason o walang valid cause na kung saan ay purpose lang nito ay tanggalin sila. That is the meaning of “unconstitutional rider” ang tanggalin sila sa trabaho. It has nothing to do with the GAA,” ayon pa kay Chiong, na isa rin sa mga tumatayong abogado ng FLD.

“And if I may say these to the two senators, that is a naked abuse of legislative prerogative, inabuso ninyo ang inyong legislative prerogative para tanggalin ninyo itong mga duktor na nagsisilbi lang po sa ating mga mahihirap na kababayan na walang ibang malapitan kundi ang PAO,” sambit pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.