Apatnaput-apat na karagdagang ruta ng Traditional Public Utility Jeepney (PUJ) at 4,820 PUJ units ang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pumasada sa Metro Manila.
Ang naturang hakbang ay alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular 2020-058 ng ahensya noong Sabado, ika-10 ng Oktubre 2020.
Dahil dito, umabot na sa 27,016 traditional PUJs ang bumibiyahe sa 302 ruta sa Metro Manila simula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ).
Samantala, narito ang bilang ng mga ruta at PUV na bumibiyahe sa Metro Manila simula ng unang araw ng Hunyo 2020:
1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
No. of routes opened: 302
No. of authorized units: 27,016
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
No. of routes opened: 48
No. of authorized units: 845
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
No. of routes: 34
No. of authorized units: 4,016
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
No. of routes opened: 34
No. of authorized units: 387
5. UV EXPRESS
No. of routes opened: 76
No. of authorized units: 3,263
6. TAXI
No. of authorized units: 20,927
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
No. of authorized units: 24,356
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
No. of routes opened: 12
No. of authorized units: 286
9. MODERN UV Express
No. of routes opened: 2
No. of authorized units: 40
Tinitiyak ng LTFRB na patuloy ang pagbubukas ng mga ruta para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa gitna ng pandemya.