DOT, suportado ang preserbasyon, proteksyon ng Chocolate Hills

NAGPAHAYAG ng suporta ang Department of Tourism (DOT) pagdating sa preserbasyon at proteksyon ng Chocolate Hills sa Bohol na matatagpuan sa idineklarang UNESCO Global Geopark.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOT na ang Captain’s Peak Resort Development sa Chocolate Hills ay hindi accredited tourism establishment sa ilalim ng accreditation system ng DOT, at tiniyak din na walang pending application para sa accreditation nito.

Sa pamamagitan ng DOT Regional Office sa Central Visayas, nakipag-ugnayan na ito sa pamahalaang panlalawigan ng Bohol mula pa noong Agosto 2023 upang ipahayag ang kanilang mga alalahanin hinggil sa bagay na ito lalo na ang tungkol sa pangangailangang pangalagaan ang integridad ng likas na yaman na ito na kilala sa buong mundo.

The DOT likewise commends the Department of Environment and Natural Resources (DENR) for taking swift action in issuing a Temporary Closure Order and ordering for an inspection to ensure the resort’s compliance to the order and agrees with the Bohol Provincial Government’s position that developments within the Chocolate Hills area are not consistent with its long-term sustainability and should be disallowed,” bahagi pa ng pahayag ng DOT.

Ang pag-unlad ay mahalaga para sa paglago ngunit dapat itong isagawa nang naaayon sa pangangalaga sa kapaligiran at kultura, ayon pa sa DOT.

Hinihimok din ng ahensya ang lahat ng partidong kasangkot, kabilang ang mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor at lokal na komunidad, na magtulungan tungo sa pagpapanatili at responsableng mga kasanayan sa turismo na nagtataguyod ng integridad ng ating natural heritage.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.