Dolomite dumping sa Manila Bay: “DENR, ipa-contempt!” – Akbayan

Share this information:

Nais ipa-contempt sa Korte Suprema ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil umano sa pagtatapon ng dolomite sand sa Manila Bay na bahagi ng rehabilitasyon nito.

Batay ito sa ginawang paghahain ng mosyon ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales sa Supreme Court (SC) para hilingin ang ginawang pagtatambak ng DENR ng dolomite sand na umano ay direktang paglabag.

Kasama ni Rosales sa paghahain ng mosyon sina Akbayan Youth Chairperson Dr. RJ Naguit at Akbayan-Manila Youth Leader Rafaela David.

Hinihiling rin ng grupo sa SC na i-convene ang Manila Bay Advisory Committee (MBAC), na pinamumunuan ni Chief Justice Diosdado Peralta na rebisahin at determinahin ang epekto ng dolomite dumping operations. 

Sinabi ni Rosales, na una nang kinulala ng SC ang massive environmental pollution ng Manila Bay, kaya nag isyu ng mandamus judgment noong 2008 at inatasan ang  DENR at iba pang ahensiya na protektahan at linisin ang Manila Bay.

Ayon kay Rosales, ang ginawang pagtatambak ng dolomite sand ay isang banta sa kalusugan at kapaligiran at inamin na ang proyekto ay hindi alinsunod sa Manila Bay Sustainable Development Master Plan at ang pagtanggi na tuparin ang kanilang obligasyon na magsumite ng public reports kaugnay sa naturang  artipisyal na  beach enhancement project na isa umanong paglabag sa  mandamus judgment ng SC.

Obviously, there is a need to save Manila Bay. But it has to be saved the right way. Right now, Manila Bay needs to be saved from incompetent and grandstanding public officials who resort to dangerous cosmetic solutions,” ayon kay Rosales.

Ipinahayag naman ni Naguit na malaking banta sa kaban ng bayan, kalikasan at kalusugan ang pagtatambak ng dolomite sand sa Manila Bay at mas mabuti na lamang kung inilaan ang pondo para sa programang makapag-puksa sa pandemya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.