DOLE sa publiko binalaan sa mga online platforms na umano’y konektado sa ahensya

Share this information:

BINALAAN ng  Department of Labor and Enployment (DOLE) ang publiko laban sa  mga gumagamit ng social media platforms na umano’y konektado sa ahensya .

“The DOLE warns the public against unverified and illegitimate online transactions or platforms claiming to be affiliated with the Department using the PhilJobNet and the Public Employment Service Office (PESO) brands, and subsequently asking its registrants to deposit money in exchange for ‘commissions’,” pahayag ng DOLE sa isang  press statement.

Inabisuhan  din ng ahensya ang publiko na walang registration fee o commission fee na ibinibigay sa mga registrant ng PhilJobNet, ang online platform ng gobyerno para sa mga naghahanap ng trabaho .

Nilinaw din ng DOLE na hindi ito affiliated, nauugnay, otorisado , inendorso o sa anumang paraang opisyal na konektado  kina ‘Norbert Jr. V’, ‘Collen Antoinette Marquez’, o anumang kahalintulad na personalididad na nagke-claim ng pera kapalit ng komisyon.

Ayon pa sa DOLE, hindi sila nag-aalok ng serbisyo sa pamamgaitan ng  WhatsApp application.

Saad pa sa pahayag ng DOLE,  ang publiko ay  pinapayuhan  na manatiling mapagmatyag at huwag magpalinlang sa mga walang prinsipyong indibidwal na ito na nagsasabing kaanib sila ng Gobyerno o mga opisyal nito upang isulong ang kanilang mga ilegal na aktibidad.

Payo ng ahensya sa publiko, huwag i-entertain o makipagtransaksyon sa kanila. 

Hinikayat din ang publiko na suriin at i-validate ang pagiging lehitimo ng mga alok sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Bureau of Local Employment sa numero ng telepono 8527-2539 o sa pamamagitan ng electronic mail address na ble.lmircgad@gmail.com.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.