Breaking News

Share this information:

WALANG nakikitang masama ang Department of Health (DOH) sa inisyatibo ng ilang local government unit (LGU) na mag-alok ng insentibo para mahikayat ang kanilang mga residente na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maging ang DOH nga mismo ay nag-iisip na rin ng karagdagang insentibo para mas marami pang Pinoy silang mahikayat na magpabakuna.

Nauna rito, ang mga vaccinated individuals sa Las Piñas ay binibigyan ng pagkakataon ng lokal na pamahalaan na magwagi ng bahay at lupa, gayundin ng mga groceries at motorsiklo kung magpapabakuna sila.

Samantala, sa Pampanga naman ay baka ang ipinara-raffle sa mga residente na nagpaturok na ng bakuna.

Actually, nag-iisip na rin ang DOH ng additional na incentives para mas makahikayat tayo ng mas maraming tao para magpabakuna,” ayon naman kay Vergeire sa isang online briefing.

“‘Pag nagsabi tayo ng incentives, hindi lang po ito ‘yung mga materyal na insentibo katulad ng nagbibigay po tayo ng pagkain o ‘di kaya ay nagbibigay tayo ng mga papremyo,” aniya pa.

Aniya pa, kaagad silang maglalabas ng guidelines at iba pang impormasyon hinggil dito, sa sandaling maisapinal na ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: