DOH, nakapag-tala ng halos 1,500 na mga kaso ng HIV noong Enero

Share this information:

SINABI ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng halos 1,500 kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) noong Enero.

Nasa 39 na kaso din ang naitalang namatay dahil sa impeksyon sa HIV sa naturang buwan.

Sinabi ng DOH na ang sexual contact ay ang pinaka-karaniwang paraan ng transmission na may 1,431 nang mga kaso.

Anim na indibidwal ang nagkaroon ng impeksyon sa HIV sa pamamagitan ng mother-to-child transmission at tatlong kaso sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga nahawaang karayom.

Sa kabilang banda, mayroon namang naitalang 14 na kaso na walang data sa paraan ng transmission.

Sinabi pa ng ahensya na ang mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng bagong kaso ay mula sa National Capital Region (397), Calabarzon (233), Central Luzon (194), Central Visayas (94), at Western Visayas (91).

These regions comprised 69 percent of the total number of cases in this period,” ayon sa ahensiya.

Samantala sa mga bata at kabataan, sa kabuuang HIV infection noong Enero, 86 kaso ay naitala sa edad 19 na taong gulang pababa.

Sa 86, sinabi ng DOH na 79 kaso ang kabataan na edad 10 hanggang 19 habang pitong kaso ang mga bata na edad 10 pababa.

Sa pamamagitan din ng pakikipagtalik ang halos lahat ng 78 sa mga naiulat na kaso ng kabataan. Ang ibang kaso ay walang data sa paraan ng transmission.

Ang anim naman sa mga bata na may edad dalawa hanggang siyam ang nakakuha ng HIV sa pamamagitan ng vertical transmission o mother-to-child, habang ang isang kaso ay walang datos ng mode of transmission.

Naiulat ang unang kaso ng HIV infection sa bansa noong  Enero 1984. Simula noon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng kabuuang 110,736 na kaso ng HIV.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.