DOH, kumpiyansang mababakunahan ang 120k katao kada araw

Share this information:

KUMPIYANSA ang Department of Health (DOH) na maaabot ang target nitong makapagbakuna ng 120,000 na  indibidwal kada araw.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil tumataas na ang dumarating na suplay ng bakuna sa bansa.

Aniya, ang itinatakbo ng pagbabakuna ng bansa ay base na rin sa pagdating ng supply ng bakuna sa Pilipinas.

Base sa datos ng DOH  nitong May 11, 2021 nasa 66,000 ang nababakunahan kada araw habang sa pinaka huling report naman aniya ni Vaccine Czar Carlito Galvez kay Pangulong Duterte kagabi ay pumalo na ito sa 83 libo kada araw.

Kaya naman naniniwala ito na maaabot ang target na numero ng mababakunahan kada araw  dahil marami nang bakuna na dumating sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.