Breaking News

Share this information:

MISMONG si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay aminadong masyadong marami ang mga heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kasabay nito ang paggiit ni Lorenzana na dapat ay ipatupad ang 0.1% na bilang ng mga heneral mula sa kabuuang bilang ng miyembro ng AFP o isang heneral sa 1,000 military personnel.

Sa ngayon aniya kasi ay nasa 0.125% ang bilang ng mga heneral o dapat ay nasa 170, alinsunod sa batas.

Ngunit kahit 170 mga heneral ang itinatakda ng batas, aabot na sa 190 ang aktibong heneral ng AFp sa ngayon.

“As it stands today, by virtue of passed legislation, the percentage is .125 and in fact we have already exceeded that percentage because as of today, we have 190 generals in the Armed Forces of the Philippines when it should have been only 170 as per the percentage,” ani Lorenzana.

Kung masusunod aniya ang ratio na 1 heneral sa 1,000 personnel, dapat ay umaabot lamang sa 143 ang heneral sa AFP.

“Our strength is 143,000, that means we should only have 143 generals in the Armed Forces of the Philippines. I believe, personally, that we have too many generals in the Armed Forces,” punto ng kalihim.

Depensa pa ni Lorenzana, magiging malusog ang organisasyon militar ng bansa kung napananatili ang naangkop na ratio o dami ng mga heneral.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: