Breaking News

Share this information:

NASA “critical level” na ang kapasidad ng isa sa mga district hospital ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa abiso ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH), sinabi nitong lagpas na sa inilaang COVID beds ang bilang ng mga pasyente.

Puno na rin ang emergency room at holding tents ng ospital, sabi pa ng abiso.

Ayon sa pamunuan ng ospital, kailangan munang mag-discharge ng pasyente ng COVID-19 bago mag-admit ng bagong kaso.

Kahapon, ang occupancy rate ng anim na district ospital sa Maynila, kabilang ang JJASGH, ay nasa 73 percent na.

Patuloy namang gumagawa ng paraan ang Department of Health (DOH) upang matugunan ang kakulangan ng mga kama at healthcare workers sa mga ospital, lalo ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 dulot ng Delta variant. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: