Breaking News

Share this information:

SUPORTADO ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan para sa taong 2021-2022.

Nagpaabot din ng pakikiisa si Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, ang chairman ng komisyon, sa mga kabataan, mga magulang at mga guro para sa unang araw ng pasukan sa pampublikong paaralan noong ika-13 ng Setyembre, 2021.

Sinabi ng komisyon na ang pagkakaroon ng tapang at determinasyon ng bawat isa sa kabila ng banta ng pandemya ay mahalaga.

Dagdag pa nito, mahalaga rin ang edukasyon na pagsasanay at pagpapalawak hindi lamang ng kaalaman at karanasan kundi maging ng puso at pagkatao ng bawat isa.

Sa ating mga teachers, mga magulang at mga estudyante medyo difficult talaga ang situation niyo given the pandemic at saka maraming limitations pero with taking courage and do what’s in their capacity to resume learning [they will overcome the difficulty] because education is a very important, it’s not only important it’s a necessary pa because it’s a training of the mind, the heart and the whole person…” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang-diin rin ng Obispo na sa kabila ng mahirap na sitwasyon sa bansa at imposibleng muling maibalik ang nakagawiang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ay hindi ito maaaring ganap na ipagpaliban kaya importante na pagsumikapan ng bawat isa na patuloy  na maisulong ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga kabataan.

Giit ng Obispo, kabilang sa mahalagang matutunan ng mga kabataan sa kasalukuyan ay kung paano maka-survive o malagpasan ang anumang hamon sa buhay tulad na lamang na malawakang krisis pangkalusugan.

In whatever circumstance we should not postpone(d) learning and we cannot, pero syempre ibang iba kasi yung sitwasyon in other words we may not keep everything in the same mode, manner as pre-pandemic time but to learn, to resume, to continue the process of learning is something for me we must do, and in fact in a situation like ours kailangan nating turuan ang mga kabataan pati na ang ating mga sarili on how to survive,” dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Sa tala ng Department of Education (DepEd), umabot na sa 21,034,472 ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll na sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa para sa School Year 2021-2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: