Nakatanggap ng halos P3 milyon bilang ayuda sa pang agrikultura mula sa programa ng Department of Agriculture Region 4-A ang Taal Recovery and Rehabilitation Program sa mga Ornamental Plant growers sa Silang, Cavite na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal nitong nakaraang Enero 2020.
Araw ng Huwebes, Setyembre 17, ng mamahagi ang DA ng nasa 428 pakete ng sari-saring bulaklak; 5,000 pakete ng ibat ibang uri ng punla at 2,000 piraso ng malambot na palayok sa mga magsasaka na nagpapatubo sa mga halamang pang dekorasyon.
Ang sektor ng samahan ng ornamental plants ay kinilala ng DA bilang kabilang sa naapektuhan ang kabuhayan nitong sumabog ang bulkang Taal kasunod pa ang pagdating ng pandemyang Covid-19.
”It is only expected that our ornamental plant growers would also be helped by DA, especially when they were also heavily affected by the eruption of Taal,” pahayag ni Regional Director Arnel de Mesa.
Lubos naman ang pasasalamat ng presidente ng Pook Ornamental Growers Association na si Ms. Elizabeth Lopez at Mr. Anselmo Noveno, presidente ng Federation of Silang Ornamental Plant Growers dahil sa mga natanggap na pagkabuhayan.
Maging si Mayor Socorro Rosario Poblete ng Silang, Cavite ay nagpaabot din ng pasasalamat sa kagawaran ng pagsasaka dahil sa kanilang tulong sa mga ornamental plant grower farmers.

