“Amasona” patay sa engkuwentro sa Mindoro

Napatay ng mga awtoridad ang isang babaeng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraan ang naganap na engkuwentro sa Barangay Gapasan, sa bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro.

Nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng mga sundalo at pulisya ang mga teroristang kasapi sa Platoon Serna-NPA Sub Regional Military Area 4 D’s MAV na siyang nagtatago sa  malalayong lugar sa probinsya.

Narekober sa pinangyarihan ng barilan ang isang 9mm Pistol, tatlong Improvised Explosive Devices o IED, isang rifle grenade at mga subersibong dokumento ng Bayan Muna, Anakpawis, Bayan at Anakbayan pamphlets.

Ayon kay Lt. Colonel Alexander Arbolado, Commanding Officer ng 4th Infantry Battalion, ang mga materyales na narekober ay “supported the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF ELCAC’s claims on the controversial issue against the Makabayan Bloc’s underground connection to the terrorist organizations.”

Pahayag naman ni Colonel Jose Augusto Villareal, Commander ng 203rd Brigade ng Mindoro, “No words will ever be enough to express our disgust over the Makabayan Bloc’s unacceptable act in conniving with the NPA terrorists which blatantly pushes our countrymen off a cliff of tragic deaths here in Mindoro and other parts of our country”.

Tiniyak naman ng militar na ang tanging pamilya ng napatay na rebelde ang makakakuha lamang sa labi nito at hindi ang mga nagpapanggap na kapamilya na siyang gagamitin sa maling ideolohiyang itinuturo ng kanilang samahan.

“AFP-PNP, as well as the local government unit’s close collaboration, coordination, and partnership, will be the game-changer in our quest for lasting peace, prosperity and development which every Filipino citizen truly deserves,” pahayag naman ni Maj. Gen. Greg Almerol, Commander ng 2nd Infantry Division.  

“We do not rejoice in killing our fellow Filipinos, however, we have a solemn duty to protect the greater number of peace-loving citizens of our country.” dagdag pa ni Almerol.

Patuloy pa rin ang panawagan ng militar sa mga natitirang NPA na sumuko na upang mapabilang sa programa ng gobyerno na E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program na siyang solusyon ng gobyerno sa problema sa mga rebeldeng NPA.

Nasa “heightened alert” status ang AFP at PNP sa Mindoro dahil na rin sa posibleng pag buwelta ang mga kaanib ng napaslang na rebelde kung kayat naglatag ng checkpoints ang mga awtoridad para mapigilan ang pinaplanong paghahasik ng kaguluhan ng mga komunista sa lugar.  

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.