Checkpoint sa lahat ng Barangay sa Olongapo City, ipinag-utos

Ini-anunsyo ng Local Government Unit ng Olongapo sa pamumuno ni Atty. Rolen ‘Lenj” Paulino Jr., ang pagkakaroon ng checkpoint sa labing pitong barangay sa lungsod sa darating na araw ng Lunes, Oktubre 5.

Kasabay ng panawagan sa mga mamamayan nito na laging dalhin ang ‘quarantine pass’ o ‘working pass’ kapag lalabas ng bahay o mas mainam na “stay-at-home” na lamang para iwas COVID-19.

Ginawa ang hakbang ng punong ehekutibo upang pigilan na ang local transmission ng virus sa komunidad na kung saan ay nasa 562 reported active COVID-19 cases ang lungsod.

Batay naman sa ilang pahayag ng residente sa lungsod, hindi mapipigilan ang pagkalat at pagdami ng mahahawaan ng COVID-19 at mawawalan din ang saysay ng kautusan kung ang lahat ay may hawak na quarantine pass at gagamitin lamang para makapaggala.

Nitong nakaraang araw lamang ng ianunsyo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang posibleng pagsa ilalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) at iba pang lugar habang plano din na ibalik sa 100% ang operasyon ng mga negosyo.

“Good afternoon, starting Monday all barangay checkpoint will resume its post. So please bring your qpass or workpass every time you go out if needed. Lets beat this virus by following our minimum health protocol, wear your mask, wash your hands, keep distance and stay home if you have nothing to do important outside. Thank you.. God Bless us all and God Bless Olongapo. #deretsolang”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.