Delivery boy, kulong matapos mang-molestiya ng paslit

ARESTADO ang isang delivery boy matapos itong mang-molestiya ng isang paslit sa San Andres Bukid sa Maynila.

Sa ulat ng Sta. Ana Police, mahaharap sa kasong rape ang suspek na si Fidel Ayala, 30 anyos, binata, residente ng    2515 Radium St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa imbestigasyon, inaresto ang suspek sa harap ng isang water station sa Onyx St., San Andres Bukid, Maynila kagabi.

Ito ay matapos maaktuhan ng may-ari ng water station ang suspek habang dinadaliri sa maselang parte ng katawan  ang apat na taong gulang na batang babae.

Agad na ipinagbigay-alam ng ama ng biktima ang pangyayari matapos itong humingi ng tulong sa Barangay 771 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Dinala naman ang biktima sa Philippine General Hospital para sa genital examination.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.