Dating waiter, fish vendor na ngayon

Share this information:

ISANG dating waiter si Patrick Cuando na isa lamang sa napakaraming mga Pilipino na pinadapa ng epekto ng pandemya.

Ayon kay Patrick, “nagka-tanggalan po, nagkabawasan po ng trabahador or magsasara din po sila dahil nagka pandemic po, bawal yung ‘dine in-dine in’ po.”

Sa dating trabaho bilang isang waiter, kumikita lamang ito ng hanggang P500.

Subalit ngayon na nagkaroon siya ng pagkakataon na maging isang “fish vendor” sa palengke, kumikita na ito ng aabot ng P2,000. 

Sipag at tiyaga ang kailangan niya dito, sabi pa nito sa kanyang kuwento. Umaga pa lamang daw ay kumukuha na siya ng paninda sa fish port at dadalhin niya ito sa isang malaking palengke. 

“Bilang isang college graduate, hindi ko po ikinakahiya na nagtatrabaho po ako dito, kasi po dito po giginhawa yung buhay ko po.” 

Dagdag niya, nakapag-pundar na siya ng isang motorsiklo na ginagamit niyang pang-service araw-araw. “Nag-invest po ako sa motor para matipid sa pamasahe rin po. Nakakuha na rin po ako ng life insurance policy at iba pang mga gamit.”

Kasama din niya ang kanyang lola at nanay sa pagtitinda.

Ayon sa kanyang nanay “nakikita ko naman na pursigido siya na matuto mag tinda eh. Natuwa naman ho ako sa kanya.” 

Dagdag nito “proud ako kay Patrick kasi lahat ng gusto niya ay napag-iipunan niya.” 

Marami din ang natuwa sa viral video niya na pinost ng kanyang girlfriend sa Tik Tok kaya naging inspirasyon siya para sa ibang napadapa din ng pandemya para bumangon, at nag-iwan din siya ng salita na kapupulutan ng inspirasyon. 

“Maraming tao rin na nahihirapan maghanap ng trabaho or natanggal po sila. Huwag po sila mawawalan ng pag-asa na gumawa ng diskarte ng ikabubuhay nila,” ayon kay Patrick. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.