Dating opisyal ng Coast Guard, pumanaw dahil sa COVID-19

PUMANAW ang isang dating opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa COVID-19.

Sa kumpirmasyon ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, cardiac arrest sanhi ng COVID-19 ang ikinamatay ni CG Admiral Reuben Lista. 

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang buong pamunuan ng PCG sa pangunguna ni  PCG Commandant, CG Admiral George Ursabia Jr. sa naulilang pamilya ng dating opisyal.

Sinabi ni Ursabia na laging maaalala ang liderato ni Admiral Lista  sa Philippine maritime industry, partikular sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko kung saan tumaas ang kanyang ranggo.

Ayon kay Ursabia, pinamunuan nito ang mga pangunahing PCG units, kabilang ang Marine Environmental Protection Command at ilang Coast Guard Districts sa iba’t-ibang rehiyon sa buong bansa.

Bukod dito, si Admiral Lista ay nagsilbi ring Deputy Commandant for Administration bago naitalaga bilang ika-16 na Commandant ng PCG mula 2001 hanggang 2003.

Nang maglaon, naupo siya sa Philippine National Oil Corporation (PNOC) bilang Chairman at  CEO.

Bahagi rin si Admiral Lista ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Class 1969 at kinokonsidera bilang isang “most decorated PMMA graduate” na naglingkod sa Philippine Navy (PN) at  PCG. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.