IDINAOS kaninang umaga sa Manila Regional Trial Court Branch 12 ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves, Jr.
Mga kasong illegal possession of firearms and explosives at isang count ng murder ang mga sakdal na binasa sa loob ng korte laban sa dating mambabatas.
Inihatid si Teves mula sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City kung saan mahigpit itong inescortan ng mga tauhan ng NBI.
Dumating sila alas-siyete ng umaga kung saan nakasuot ng kulay orange na shirt, nakaposas, may suot na bullet-proof vest at kevlar helmet si Teves.
Sinimulan naman ang kanyang arraignment 8:30 ng umaga.
Habang naghihintay sila sa loob ng korte ay nananatiling bantay-sarado ng mga tauhan ng NBI ang labas ng gusali.

