Dating alkalde, 3 iba pa, patay sa ambush sa Cagayan

Share this information:

APAT ang patay kabilang ang isang dating alkalde sa bayan ng Lasam sa Cagayan, matapos paulanan ng mga bala ang kanilang sinasakyang van ng hindi pa matukoy na bilang na mga salarin kahapon, araw ng Lunes, Pebrero, 15, 2021.

Hindi na umabot ng buhay habang isinusugod sa ospital si Lasam Municipal Councilor Marjorie Salazar at isa pang konsehal na si Eduardo Asuten, kanilang mga tauhan na sina John Rey Apil, driver at sekretaryang si Aiza Manuel.

Ayon sa report kay Lasam acting police chief Major Pablo Tumbali, sakay ang mga biktima sa puting Toyota Hi-Ace van nang sila ay sundan at pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa national highway, Barangay Ignacio B. Jurado pasado alas 11 ng tanghali.

Sinasabing lulan ang grupo ng armadong kalalakihan sa isang asul na Hyundai Accent at puting Toyota Wigo na mabilis na naghiwalay matapos ang kanilang pagtakas.

Una rito, napag-alaman na si Salazar ay isa sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng “narcolist” bilang umanoy ‘protektor’ ng ilegal na droga sa kanyang bayan noong naglilingkod pa ito bilang alkalde.

Habang si Asuten, Apil at Manuel ay nadamay lamang sa insidente. Patuloy pa ang pagtukoy ng mga awtoridad sa mga nasa likod ng pananambang sa mga biktima

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

There's a new crisp in town

Mon Feb 15 , 2021
Valentine’s Day may already be over, but that doesn’t mean the days after one of the most anticipated dates of the year can’t be spent with the loved one anytime after. To many, every day is happy hearts day. It can be a choice between binge watching of fave rom-coms, […]

Follow Us

%d bloggers like this: