Dalawang tauhan ng Phil. Navy, patay sa road crash sa Bataan 

Share this information:

PATAY ang dalawang enlisted personnel ng Philippine Navy makaraang masangkot ito sa isang road crash sa Roman Expressway, Brgy. Sta. Elena, Orion, Bataan, ngayong Martes ng umaga.

Ito ang kinumpirma sa media ni Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco, kung saan sa report ng Bataan Police Provincial Office (PPO), kinilala ang mga biktima na sina John Michael Cupinio, 24 anyos, taga Amadeo, Cavite at Mary Vic Divinagracia, 28 anyos, mula sa Tanza, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ng Orion Police, lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo patungo sa bahagi ng Mariveles nang mawalan umano ng kontrol ang driver at natiyempong paparating naman ang isang Isuzu SUV sa opposite lane at nasagasaan umano ang mga biktima. 

Nagtamo ang mga biktima ng grabeng pinsala sa ulo at katawan at isinugod ng rumespondeng rescue unit ng Orion sa Bataan General Hospital kung saan binawian ng buhay kinalaunan ang mga biktima base sa impormasyon mula kay Orion Police chief, Major Roger Pecenio. 

Dinala naman sa Orion Municipal Police Station ang driver ng naturang SUV.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.