Dalawang lalaki, hinagisan ng granada ang isang sabungan sa Maynila

HINAGISAN ng granada ng dalawang lalaki lulan ng isang motorsiklo ang isang sabungan kagabi sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay Sta. Ana Police Station 6 PLt. Bernardo Diego, hindi sumabog ang isang MK2 grenade na inihagis pasado alas-sais ng gabi sa parking entrance ng Manila Arena na matatagpuan sa Sta. Ana, Maynila.

Agad namang nakatawag ang mga security guard ng naturang sabungan sa pulisya kaya rumesponde naman ang mga tauhan ng Manila Police Department-Explosive Ordnance Division (MPD-EOD).

Ang mismong mga taga MPD-EOD na rin ang nag-detonate sa nasabing granada.

Hindi naman naapektuhan ang operasyon sa loob ng sabungan.

Masusi naman ang imbestigasyon ng pulisya at tina-track na ang direksyon na posibleng dinaanan ng mga suspek sa kanilang pagtakas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.