Breaking News

Share this information:

DALAWA ang napaulat na namatay habang dalawa pa ang sugatan sa pagguho ng isang ginagawang bahay sa Barangay Sabatan, Orion, Bataan.

Ayon sa inisyal na ulat ng Orion Police, nangyari ang insidente nitong Miyerkules ganap na alas 3: 20 ng hapon.

Base sa ulat ni Police Major Jeffrey Onde, Orion Chief of Police, kinilala ang mga biktimang sina Maria Theresa Fernandez, 61 anyos, na idineklarang dead on arrival sa St. Michael Hospital, at si Lhencesca Fernandez, pitong taong gulang, na natabunan ng pagguho at wala na umanong buhay nang makita ng mga rumespondeng rescuer.

Samantala, sugatan naman sina Leonardo Fernandez, 58 anyos, house owner at ang helper na si Lito Bautista, 65 anyos, na kasalukuyang nasa ospital.

Nabatid sa imbestigasyon na abala sina Fernandez at Bautista sa ginagawang bahay sa isang bahagi ng ikalawang palapag nang bigla umanong gumuho ito.

Agad namang rumesponde ang iba’t ibang ahensya, kabilang na ang Metro Bataan Development Authority, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection Orion at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at kaagad na nagsagawa ng clearing at retrieval operations sa lugar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: