Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na dalawa pang ospital ang binigyan ng compassionate special permit (CSP) sa paggamit ng “Ivermectin” para sa mga pasyente ng COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Usec. Eric Domingo, kahapon naaprubahan ang aplikasyon ng dalawang ospital para sa CSP.
Hindi naman binanggit ni Domingo kung anong mga ospital ang nabigyan ng CSP.
Maaalala na tatlong ospital na rin ang unang nabigyan ng CSP para sa Ivermectin na isang investigational drug .
Sa ngayon, limang ospital na ang nabigyan ng CSP para sa Ivermectin na ginagamit din umano sa mga hayop.

