DALAWANG indibidwal na may kasong rape ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Nueva Ecija.
Kinilala ang mga indibidwal na sina Jose Jr. Bido y Lopez at Vincent Emmanuel Gan y De Guzman.
Kapwa sila inaresto ng mga operatiba ng NBI-Cabanatuan District Office (NBI-CABDO) matapos silang mag-apply ng NBI Clearance.
Ayon sa NBI Clearance Quality Control, lumabas sa rekord na si Bido ay “wanted” sa kasong rape.
Sa koordinasyon sa RTC Branch 18, Bacoor, Cavite, nalaman ng NBI-CABDO ang naturang kaso sa rekord ay criminal record ni Bido.
Sa kabilang banda, nag-apply din ng NBI clearance si Gan nang matuklasan na siya ay “at large” dahil din sa kasong rape sa RTC Branch 23, Trece Martires, Cavite.
Ayon sa NBI, ang pag-aresto sa dalawang akusado ay nagpapatunay na ang NBI Clearance ay ang pinaka-maaasahang clearance service sa bansa, at ang NBI bilang pambansang repository ng lahat ng criminal records.
Nagpapasalamat ang NBI-CABDO sa buong kooperasyon ng RTC Branch 18 at 23, lalo na sa mga klerk ng parehong korte, para sa mabilis na pag-verify at pagpapadala ng rekord sa korte ng mga akusado .
Pinasalamatan din ang Agent-In Charge na si Eric Mercado at Agent-In Charge Jun Astrero, at mga kawani ng NBI-CAVIDO North at South para sa inter-district courtesy at kooperasyon.