Breaking News

Share this information:

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-8 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa Sia Compound, Lamesa St., Ugong, kontra kay Revy Cañaveral, 27 anyos, ng Brgy. 164 Talipapa, Caloocan City.

Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.

Nasamsam sa suspek ang tinatayang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P68,000, buy-bust money, coin pouch at P1,000 cash.

Dakong alas-4:50 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy=bust operation sa kanyang bahay sa 6111 Salvacion Look, Brgy. Gen. T. De Leon si Santiago De Vera alyas “Santi,” 40 anyos.

Ayon kay SDEU investigator PCpl. Christopher Quiao, nakumpiska kay De Vera ang tinatayang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P47,600, P500 buy-bust money, P300 cash, cellphone at coin pouch.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: