Breaking News

Share this information:

BINIGO ng pulisya ang napipintong riot ng mga kabataang lalaki makaraang madakip ang dalawang hinihinalang miyembro ng iang gang, kabilang ang isang menor-de-edad, habang bitbit ang dalawang molotov bomb sa Malabon City Miyerkules ng madaling araw.

Isa sa dalawang nadakip ay kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot na si Jimmy Boy Villena, 20 anyos, habang hindi naman pinangalanan ang 17-anyos niyang kasama, kapuwa residente ng Dulong Bronze, Brgy. Tugatog.

Sinabi ni Col. Barot na isinailalim na sa swab test ang menor-de-edad na suspek bago siya isailalim sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa sa Brgy. Longos kung saan dinadala ang mga kabilang sa CICL o children in conflict with the law para bigyang kalinga at gabay upang maituwid ang direksiyon ng kanilang buhay.

Sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Mardelio Osting, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 pasado alas-12 ng hatinggabi, namataan nila ang mga suspek na naglalakad sa kanto ng M.H. Del Pilar at Basilio St. na malinaw na paglabag sa curfew hour.

Napagalaman na madalas mangyari ang riot ng mga kabataan sa naturang lugar na madalas maganap sa dis-oras ng gabi kaya’t iniutos ni Col. Barot ang regular na pagpapatrulya ng pulisya sa lugar.

Nang kapkapan ng mga pulis ang dalawa, nakuha sa kanila ang dalawang improvised molotov coctail bomb na karaniwang ginagamit ng mga kabataan sa pakikipag-riot sa kalabang gang.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9516 o possession of Molotov cocktail bomb ang mga nadakip na suspek sa piskalya ng Malabon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: