Breaking News

Share this information:

SINIMULAN na ng pamahalaang lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).

“The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits applicable to them,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ilang mga residente ng mga barangay ng Bagumbayan South, Bangkulasi, North Bay Boulevard North (NBBN), San Roque, Sipac-Almacen, Tanza 2, Tangos North at South, ang nakakumpleto na ng unang step sa national ID registration.

Nauna rito, nagsagawa ang mga tauhan ng PSA ng house-to-house interviews sa naturang mga barangay para sa demographic data collection. Gayunman, nahinto ito kasunod nang ipinatupad muli ang ECQ sa Metro Manila.

Ang mga residente na nakumpleto ang Step 1 ay sumasailalim na sa biometric enrollment.

Hinihikayat naman ang mga Navoteño na hindi na-interview ng PSA na magparehistro sa PhilSys online portal, sa sandaling ito ay magagamit para sa mga residente ng lungsod.

Sa Step 2, ang supporting documents ng nagparehistro ay ipapakita ang kanyang demographics para mai-encode at upang ang kanyang biometric ay makukuha at maitatala, at siya ay bibigyan ng isang transaction slip.

Magkakasabay na isasagawa ang registration sa apat na venue sa lungsod kabilang ang Navotas City Hall mula Mayo 31 – Hunyo 3; Brgy. NBBN Covered Court, Hunyo 1– Agosto 10; Navotas City Library, Hunyo 3 – Disyembre 30; at Brgy. Tanza 2 Multi-Purpose Hall, Hunyo 5–Oktubre 30.

Para masiguro na masunod ang mga safety protocols ay limitado lang ang bilang na tatanggapin ng magpaparehistro kada-araw.

Kapag available na ang National ID, ipapadala ito sa address ng nagparehistro. Dapat niyang ipakita ang kanyang transaction slip at anumang patunay ng pagkakakilanlan upang makuha ang ID. Kung wala siya para tanggapin ang ID, maaari siyang magpahintulot ng isang kinatawan. Kailangan lang ipakita ang transaction slip, authorization letter at valid ID ng registrant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: