Dagdag na mga hotel na gagamiting TTMF, inihirit ng gobyerno

Share this information:

INIHIHIRIT ng gobyerno na madagdagan ang bilang ng mga kinontratang hotel na gagamitin bilang mga isolation site matapos umabot na sa 78 porsyento ang utilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs).

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, may mataas na bilang ng kahilingan o request para sa isolation at quarantine facilities habang patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19.

Last December, the usage of temporary treatment facilities is 15 percent or less than 10 percent. So, even some of them were defunctionalized,” pahayag ni Vega sa isang televised  public briefing.

Ayon kay Vega, ilang hotel at pasilidad na itinalaga bilang mga TTMFs ay natapos na ang kontrata noong Disyembre 31, 2021.

Kaya naman muling in-activate ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga TTMF upang makapagbigay ng naaangkop na mga lugar ng isolation at quarantine facilities para healthcare workers at pangkalahatang publiko.

Ngayong Biyernes, nakapagtala ng 37,207 na mga bagong kaso kung saan may kabuuan nang 3,129,512 na mga kaso habang nasa 265,509 na rin ang aktibong mga kaso sa bansa. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.