Personal na dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Julia Barretto upang ireklamo ang dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa pagpapakalat ng fake news na siya ay buntis.
Si Barretto ay sinamahan ng kanyang ina na si Marjorie Barretto sa pagsasampa ng kaso.
Ito ay may kinalaman sa pahayag ni Sonza sa social media na buntis si Barretto at ang aktor na si Gerald Anderson ang ama.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, aalamin nila kung maituturing na cyber libel o paglabag sa Safe Spaces Act ang mga pahayag ni Sonza.
Samantala, sinagot ni Barretto sa pamamagitan ng social media account ang akusasyon ni Sonza at nag post ng larawan ng kanyang slim body na may caption na Fake News!.