UMAABOT sa 1,400 indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa unified curfew na ipinapatupad sa Metro Manila.
Ayon sa National Capital Region Police Offive (NCRPO), nasa 1, 139 inidibidwal ang nahuli sa Maynila.
Nasa 1,588 katao ang pinagmulta habang ang ang iba na walang pang multa ay maaring mag community service habang ang 574 naman ay pinalaya rin matapos mapagsabihan.
Ang unified curfew hours ay epektibo mula 10pm hanggang 5am sa loob ng dalawang linggo na nagsimula nitong Lunes.
Nabatid na mahigit walong libong pulis ang ikinalat ng NCRPO sa ibat ibang lugar sa Metro Manila upang tugunan ang tumataas na bilang ng covid cases.