Breaking News

Share this information:

EPEKTIBO sa Hunyo 15 ay apat na oras na lamang iiral ang curfew sa mga lungsod sa Metro Manila na magsisimula ng alas-dose ng hatinggabi.

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na mula sa dating alas-10 ng gabi hanggang alas-kuwatro ng madaling araw ay magsisimula na ito ng alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-kuwatro ng umaga.

“Gusto ko nang i-announce ngayon para malaman ng lahat, nag-meeting ang mga mayors kagabi, nagkaroon kami ng votation… na starting [June] 15 in-adjust na ng Metro Manila mayors and curfew sa Metro Manila, hindi na po 10 p.m. kundi 12 a.m. to 4 a.m. na,” ayon kay Abalos.

Sinabi ni Abalos na layon nitong mas maraming tao ang makabisita sa mga mall at restaurant na hindi na magsasara ng mas maaga kumpara sa mga nakalipas na linggo.

“This will give more time sa mga taong kakain sa restaurant, sa mga malls na magbukas, sa travel time, at makatulong ng husto sa ating ekonomiya,” dagdag ni Abalos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: