COVID-19 vaccines laban sa “recombinant variants,” epektibo pa din — DOH

IPINAHAYAG ng Department of Health (DOH) na nananatiling epektibo ang COVID-19 vaccines laban sa mga “recombinant variants” tulad na lamang ng “Omicron XE.”

Sa pulong balitaan ng kagawaran, ipinaliwanag ni DOH Technical Advisory Group member Dr. Edsel Salvana na ang XE ay recombinant ng Omicron sub-lineage na BA.1 at BA.2.

May isa aniyang kaso nito sa Thailand, at may posibilidad na makapasok sa ating bansa.

Ayon pa kay Dr. Salvana, mas “concerning” ngayon ang XE dahil may nakita na 10-percent na “growth advantage.”

Gayunman, sinabi ni Dr. Salvana na hindi naman umano inaasahang magiging mas “severe” ito at hindi rin inaasahang makakaiwas sa bakuna hindi tulad ng BA.1 at BA.2.

Sa kabila nito, iginiit ni Dr. Salvana na mas mabuting magpaturok na ng COVID-19 booster shot, bukod pa sa primary series ng bakuna upang mapataas ang proteksyon laban sa sakit.

Sinabi nito na humihina ang bisa ng mga bakuna paglipas ng panahon, pero kung magpapa-booster shot ay mananatiling protektado mula sa mga bagong variant.

Nauna nang sinabi ng DOH na nakikipag-ugnayan na sila sa World Health Organization (WHO) ukol sa Omicron XE, at may koordinasyon din sa Philippine Genome Center.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.