COVID-19 Update: Philippines

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,387 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Disyembre 9.

Ayon sa DOH, umakyat na sa 444,164 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit sa bansa.

Naitala ang pinaka-mataas na kaso ng COVID-19 sa Batangas na sinundan ng Quezon City, Davao del Norte, Benguet, at Quezon.

Nabatid din mula sa DOH na mayroon pang 26,545 na aktibong kaso.

Samantala, umabot naman sa 408,942 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa virus infection matapos madagdagan ng 156 bagong gumaling ngayong araw.

Nasa 7 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na ngayon ay nasa kabuuan nang 8,677.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.