COVID-19 sa PH, sirit pa more!

Share this information:

MULING nadagdagan ng malaking bilang ng bagong kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.

Sa datos, umabot na sa kabuuang 603,308 ang bilang ng kaso sa bansa makaraang madagdagan pa ng 2,886 bagong kaso.

Nasa 221 naman ang bilang ng bagong gumaling sanhi upang maging 546,293 na ang recoveries sa Covid-19.

Nakapagtala naman 17 bagong pumanaw dahilan para umabot na rin sa 12,545 ang namamatay sa sakit.

Umakyat na rin sa 44,470 ang naitalang aktibong kaso kung saan 95.7 percent ang m ild at asymptomatic.

Sa pagapsok ng mga bagong variant sa bansa, sinabi ng DOH na mainam pa ring panlaban sa virus ang wastong pagsunod sa safety health protocol.

Huwag din magpakampante kahit may bakuna na dahil ang mga variant at mabilis makapanghawa at kahit nabakunahan na ay maari pa ring makahawa o mahawa bagamat mababa ang tiyansa ng pagkakaospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.