COVID-19 cases sa House of Representatives, umabot na sa 85

Share this information:

PUMALO na ngayon sa 85 ang mga kawani sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagpositibo sa COVID-19.

Nabatid mula kay House Secretary General Jose Luis Montales, pinakahuling nadagdag sa listahan ang dalawang empleyado sa Administrative Department at Accounting Service ng Kamara.

Huli aniyang pumasok sa trabaho ang taga-Administative Department nuong Setyembre 1 habang ang taga Payroll Group ay huling nagtungo sa Batasan nuong Setyembre 21.

Agad na nagpa-COVID-19 test ang mga kawani matapos makaramdam ng pananakit ng katawan at lalamunan, pagkawala ng panlasa sa pagkain at pang-amoy.

Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay mayroong 15 aktibong kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.