INIHAYAG ng organisasyon ng Miss Universe Philippines na gaganapin ang pinakahihintay ng coronation night sa darating na ika-30 ng Setyembre sa Henann Resort Convention Center sa Panglao, lalawigan ng Bohol.
Bago ganapin ang koronasyon para sa Miss Universe Philippines 2021 ay may mga natitira pang activities at challenges para sa mga kandidata na dapat tapusin.
Ang paligsahan para sa National Costume ay naganap kahapon, ika-23 ng Setyembre, na maaaring mapanood sa YouTube.
Sa National Costume event, mapapansing mas lalong tumingkad ang kagandahan ng mga kandidata sa kanilang pag-rampa. Umani naman ito ng suporta mula sa fans ng mga kandidata at netizens, na mas lalo pang nagpainit sa kompetisyon na ito at nagpahirap din sa pagpili ng iboboto.
Samantala, nakatakda naman ang Preliminary Interviews ngayong ika-24 ng Setyembre na maaaring mapanood sa KTX.ph.
(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

