Concrete barriers sa EDSA Santolan, inararo ng SUV

Share this information:

HINDI bababa sa walong concrete barriers ang inararo ng Sports Utility Vehicle o SUV sa bahagi ng EDSA Santolan sa Quezon City pasado alas 12 ng tanghali kanina.

Nangyari ang aksidente pasado alas 12 ng tanghali ng Huwebes sa bahagi ng Northbound lane sa tapat ng gate 1 ng Camp Aguinaldo.

Ayon kay Nick Bitonyo, driver ng kulay abo na Mitsubishi Montero na may plakang WOP-365, nasobrahan sya sa pag-gilid sa mga nakahilerang concrete barriers hanggang hindi na niya na-control ang sasakyan at tuluyang maararo ang mga ito.

Sa lakas ng impact, sumampa sa barriers ang SUV kung saan pumutok pa ang gulong sa harapan at nasira ang bumper.

Ligtas naman ang nasabing driver at isa nitong kasamahan.

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko ang aksidente kung saan ay nabarahan ang EDSA Busway.

Dakong 1:30 naman ng hapon nang dumating ang tow truck ng MMDA para magbatak sa SUV at mga barrier na tumumba. Nabatid sa MMDA na may pananagutan ang driver ng sasakyan dulot sa pagkakasagasa at pagkakasira sa mga concrete barriers.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

SBMA to impose maximum fine for quarantine violation

Thu Mar 4 , 2021
SUBIC BAY FREEPORT – The Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) will fine a shipping agency in Olongapo City after a disembarked foreign seaman sponsored by the firm repeatedly violated safety protocols at a quarantine hotel here. SBMA Chairman and Administrator Wilma T. Eisma said the SBMA will impose the highest […]

Follow Us

%d bloggers like this: