Comelec, umapela sa publiko na iparehistro ang kanilang SIM card

Share this information:

UMAAPELA sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) na ipa-rehistro na ang kani-kanilang SIM card.

Ginawa ng Comelec ang pahayag kasunod ng pasya ng pamahalaan na palawigin ng 90-araw ang SIM registration.

Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na bagama’t hindi hurisdiksyon ng poll body ang usapin, sila mismo ay sumusuporta sa batas na maiparehistro ang lahat ng SIM card.

Naniniwala aniya ang Comelec na malaking tulong ang SIM registration para malabanan at mapigilan na ang mga “troll” at pagkalat ng “fake news” lalo na tuwing panahon ng eleksyon sa bansa.

Sinabi ni Garcia na naging talamak ang trolls at mga pekeng balita laban sa mga kandidato noong nakalipas na Eleksyon 2022, kung saan sinasabing nagamit ang mga SIM card.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.