Breaking News

Share this information:

SISIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasala sa mga kandidatong naghain ng kanilang Ccertificates of Candidacy (COC) para sa May 9, 2022 national at local elections, kasunod ng pagtatapos nitong Biyernes ng paghahain ng kandidatura.

Batay sa datos na inilabas ng Comelec, mula Oktubre 1 hanggang 8 ay umabot sa 97 ang bilang ng mga kandidatong naghain ng kandidatura sa pagka-pangulo, 29 naman sa pagka-bise presidente, 176 sa pagka-senador at 270 naman ang party-list.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maraming kandidato ang naghain ng kandidatura ngayon.

Tiniyak naman niya na dadaan muna sa proseso ng pagsasala sa Comelec ang mga kandidato para tiyaking hindi sila nuisance candidate o panggulong kandidato lamang, bago tuluyang payagang tumakbo sa eleksiyon.

Dagdag pa ni Jimenez na may iba’t ibang paraan ang Comelec para matukoy kung mayroon talagang lehitimong intensiyon ang isang kandidato na tumakbo sa halalan, kasama na dito ang kaniyang campaign strategy, plataporma, at iba pa.

Inaasahan naman ni Jimenez na sa Disyembre ay maisasa-pinal na nila ang listahan ng mga kandidato para sa susunod na eleksiyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: