AYAW magkumento ng Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang May 12 elections.
“No comment,” ayon kay Comelec chief George Erwin Garcia.
Dagdag pa nito, iginagalang nila ang pahayag ng VP Sara at naniniwala silang malaya ang sinuman na magpahayag ng opinyon bilang bahagi ng demokrasya.
Ayon kasi sa Pangalawang Pangulo ng bansa, may tatlo pang nanalo na miyembro ng kanilang partido PDP-LABAN na tumakbo sa pagka-senador.
Kasama rito sina Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Moto.
Sa isang pahayag, inatasan ni VP Sara ang partido na kwestiyunin ang nagyaring proseso sa nagdaang eleksyon.

