Comelec, nakikipag-ugnayan na sa IATF tungkol sa “in-person” campaign

Share this information:

POSIBLENG mailabas na ng Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre 1 ang  mga alituntunin para sa 2022 national at local election, kasama na ang patakaran  sa “in-person”  campaign.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang poll body sa mga health authorities, partikular sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang isapinal ang alituntunin para sa darating na halalan sa gitna ng pandemya. 

Hindi pa man tapos ang guidelines natin ine-expect natin na mailalabas natin yan by October 1,” sinabi ni Jimenez sa online forum.

Maaalala na sinabi ni Jimenez na ang “new normal” guidelines ay maaaring mailabas bago ang Oktubre.

Nagbigay naman ito ng kaunting detalye sa nilalaman ng mga alituntunin kung saan ay binabago ng Comelec ang mga patakaran para sa “personal” na pangangampanya tulad ng mga rally sa kampanya.

Maaasahan naman na magkakaroon pa rin ng mga rally at hindi mawawala ang in-person campaigning  pero tiniyak nito na mababago ang paraan ng pagra-rally.

Sinabi ni Jimenez na papayagan ang rally ngunit sa limitadong audience upang matiyak na nasusunod ang social distancing.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Comelec na hindi na rin papayagan ang mga kandidato na magpakita ng “affection” sa mga tao tulad ng paghalik, pagkamay at pagyakap sa panahon ng kampanya.

Sa pagbabawal ng mga pagtitipon, sinabi ni Jimenez sa publiko na maging maingat at maging mapagbantay sa social media dahil inaasahan na gagamitin ng mga pulitiko ang platform na ito para sa kanilang mga kampanya sa 2022.

Mayroon mang in-person campaigning, napo-project natin, nape-predict natin na marami sa mga politiko ay tatalon sa social media,” saad pa ni Jimenez .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.