Comelec, handang sa anumang kaso kaugnay ng pagbabaklas nito ng campaign materials

IPINAHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na handa itong harapin ang anumang kaso na ihahain laban sa kanila ng mga kandidato kaugnay sa ginagawa nitong pagbabaklas sa mga campaign materials.

Kung gusto nilang magkaso, that’s something that we’re prepared to meet. If the actions of our officers are backed up by existing laws then we feel that, that will stand up in court,” sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

Kaugnay nito, sinabi Jimenez na may approval o pahintulot ng may-ari ng private property bago nila ginawa ang umano’y pagbaklas ng  illegal campaign posters.

Inaabisuhan ang mga Ito kapag may illegal campaign materials sa kanilang hurisdiksyon, dagdag pa nito.

Sa iba namang pagkakataon, sinabi ni Jimenez na ang mismong may-ari na ng property ang nagtatanggal ng campaign materials  o  di kaya ay sinasabi ng Comelec.

Binigyan-diin din nito na walang preferential treatment para sa mga kandidato sa pagbaklas ng mga campaign posters sa mga private properties  sa panahon ng kampanya dahil halos lahat ng campaign materials ng mga presidential candidate ay tinanggal.

Yung iba, kusang nagbaba. Sinusulatan kasi sila ng Comelec kaya yung iba, nagkukusa. Pag hindi, tinatanggal ng Comelec. Pag may mga hindi pa nabaklas pero nasulatan na, kino-coordinate yan with every region. Pinupuntahan ang mga ito at bine-verify,” ayon ka Jimenez.

Pero hindi ibig sabihin na may preferential treatment o may discrimination. Hindi lang kayang tapusin in one day,” dagdag pa nito 

Una nang umani ng batikos ang Comelec dahil sa kampanya nito na Oplan Baklas sa mga campaign posters ni Leni-Kiko tandem dahil oversized o wala sa itinakdang sukat alinsunod sa campaign rules ng poll body ngayong campaign period para sa national at local elections.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.