INUTUSAN na ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Dionardo Carlos ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang tutukan ang insidente tungkol sa mga sabungerong nawawala.
Ito’y matapos mapaulat na may 10 kalalakihan na nagpunta sa magkakahiwalay na mga sabungan sa Laguna at Maynila at mahigit isang linggo nang nawawala.
Hindi pa tiyak kung magkaugnay ang dalawang insidente, pahayag ni Carlos ngunit pinaiimbestigahan niya na ito para matukoy kung may pattern nga ba ang mga pagpakawala.
Maliban dito, sinabi din ni Carlos na ipinapaalam niya na sa CIDG kung may mga dating kaso na rin ba ng mga sabungerong nawawala.
Sinabi niyang mahalaga ito para mabigyang-linaw ang koneksiyon ng mga ito.
Una nang lumutang ang anggulo na baka ang laglagan sa laban o “game fixing” ang ugat ng pagkawala ng grupo.

