Checkpoint, tinangkang takasan; tricycle driver, timbog sa marijuana

Share this information:

Swak sa kulungan ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng nasa P120,000 halaga ng marijuana makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng check point sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Roberto Roque Jr., 27 anyos, ng 40 Masaya St. RP Gulod, Novaliches, Quezon City habang pinaghahanap pa ang hindi kilalang kasama nito.

Ayon kay Col. Mina, dakong alas 11:15 ng gabi, nagsasagawa ng check point sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road corner Lacson Road, Bagong Silang ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni PLt. Mel Soniega at PLt. John Sadorra, kasama ang Northern Police District-District Mobile Force Battallion (NPD-DMFB) sa pangunguna ni PLt. Jerry Terte nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Sa halip na sumunod sa mga pulis, hindi pinansin ng mga suspek ang check point at pinasibad ang motorsiklo na naging dahilan upang mahulog ang kanilang eco bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nagawang maaresto ng mga pulis si Roque na nagmamaneho ng motorsiklko habang nakatakas naman sa hindi matukoy na direksyon ang hindi kilalang kasama nito.

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang isang block na nasa 1,000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon fruiting top ng marijuana na tinatayang nasa P120,000 ang halaga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

"Agropolis" dream of Dinalupihan gaining ground

Wed Feb 24 , 2021
The municipality of Dinalupihan’s vision to be a model agropolis in Central Luzon is now slowly being realized as the 10 pilot farms in different villages produced positive results. This was revealed by Municipal Mayor Maria Angela Garcia during the pilot farms tour with the local media, She discussed what […]

Follow Us

%d bloggers like this: