Certificate of Registration para sa ASF vaccine, inilabas na ng FDA

Naglabas na ang Food and Drug Administration (FDA) ng Certificate of Registration para sa bakuna sa African Swine Fever (ASF). 

Ikinagalak naman ng sektor ng agrikultura ang anunsiyong ito ng FDA, na nagsabing isa itong magandang balita dahil pasado na ang bakuna sa pagsusuri.

Bilang chairman ng Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. at Presidente ng Agricultural Sector Alliance, sinabi ni Rep. Nicanor Briones na bagaman hindi nagdudulot ng banta sa kalusugan ng tao ang ASF, nakakapinsala naman ang epekto nito sa mga baboy, na kahit isa lang ang tamaan ng impeksiyon ay kayang lipulin ang isang buong kawan.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., magsisimula na sila sa pagpapakalat sa nasabing bakuna sa mga apektadong lugar. Ayon pa kay Laurel, 150,000 na bakuna ang agad nilang dadalhin sa mga Red Areas ng ASF, partikular sa mga lalawigan ng Batangas at Mindoro, na sisimulan sa susunod na buwan.

“Malaking tulong po ito at matagal na pong hinihintay ng sektor ng pagbababuyan at ang pagkakaalam ko po, libre ito at iyon ang isang malaking pag-asa na dumating sa ating mga magbababoy na matagal nang pinapahirapan ng ASF,” ayon kay Laurel.

Ibig sabihin naglalaro ito between P550 to P600 ang halaga kada dose,” pahayag ni Briones. Bagama’t limitado pa rin sa ngayon ang supply, libre namang ibibigay ng DA ang bakuna laban sa nasabing sakit.

Bahagi ng kabuuang 600,000 na bakuna na magmumula sa Vietnam ang 150,00 bakuna na unang ipamimigay ng DA.

Samantala, tiniyak naman ng DA) na naglaan ito ng P350 milyon na budget para sa pagbili ng mga bakuna.

Isasailalim sa controlled rolled-out ang mga bakuna, na pangasiwaan ng Bureau of Animal Industry, kabilang ang mga mula sa Vietnam.

Nagpapasalamat ang nasabing sektor kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Laurel dahil napagkalooban sila ng libreng bakuna lalong-lalo na iyong mga “backyard raisers” na lubhang naapektuhan ng nasabing outbreak.

Muli, humilihiling ang sektor ng magbababoy na sana isunod naman ng pamahalaan ang bakuna laban sa Bird Flu.

“Inumpisahan nila na magbigay ng libreng bakuna sana lahatin nila iyong backyard at commercial na buong populasyon ng baboy sa bansa,” ayon kay Briones.

Magiging malaking tulong ito para sa mga hog raisers para magkaroon sila ulit ng lakas ng loob na mag-alaga at magparami, dagdag pa nito.

“Lalong malaking tulong ito sa ating mga consumers dahil pwedeng bumaba ang presyo ng baboy kapag dumami ang supply sa ating bansa. Sa pagbaba ng presyo makikinabang ang mamimili o pamilyang Pilipino,” pagwawakas ni Briones.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.