Cash assistance ng DSWD, ibababa na sa mga LGU

NAGDESISYON ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibababa na sa mga local government unit (LGU) ang cash assistance sa mga mag aaral. 

Ito ay matapos dumugin ang mga tanggapan ng DSWD sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, hindi niya inaasahan ang pagdagsa ng mga tao  na humantong na sa siksikan at may mga naiulat pa na nasaktan. 

Gayunman, ayaw din umano niya na itaboy ang nga tao dahil nasa krisis ang mga ito. 

Upang hindi na maulit ang pagdagsa ng nga tao ay makikipag-ugnayan na ang DSWD sa Department of Interior and Local Government (DILG). 

Dagdag pa ni Tulfo, kahit na ibaba sa mga LGU ang pamimigay ng cash assistance ay nakasubaybay pa din ang mga DSWD personnel upang maiwasan ang palakasan at pamimili sa bibigyan ng assistance. 

Nabatid na ang pay out ay tatagal sa loob ng anim na Sabado mula Agosto 20, 2022. 

Nakahanda naman ang DSWD na i-extend ang pay out kung kinakailangan. 

Nilinaw pa ni Tulfo na hindi na kasali sa mabibigyan ng assistance ang mga miyembro ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga government scholar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.