Cadaver storage facility, inihahanda na ng lungsod ng Maynila

NAGHAHANDA na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng storage para sa mga namamatay sa COVID-19 sa lungsod.

Ang nasabing cadaver storage na gawa sa container vans ay may lamig na minus 20 degrees Celsius. Ang mga ito ay magagamit para sa mga biktima ng COVID-19 para sa tamang disposal.

Kung magkakaroon ng need nag prepare lang kami,” pahayag ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Ayon pa sa alkalde nakalagay ang cadaver storage sa Luneta kung saan matatagpuan din ang Manila COVID Field Hospital.

Hindi naman nabanggit ng alkalde kung ilan ang kapasidad o katawan na maaaring mailagay sa nasabing storage.

Ang paghahanda ng pamahalaang lungsod ay bunsod na rin ng hindi mapigilang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na mas pinalala pa ng mas nakakahawa at nakamamatay na Delta variant

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.