Bureau of Permits, nagbabala laban sa fake inspector na umiikot sa Chinatown area

NAGBABALA ang Bureau of Permits sa lungsod ng Maynila laban sa mga nagpapakilalang kawani ng departamento para lamang makapanloko.

Sa abiso ng Bureau of Permits sa Manila City Hall, pinag-iingat ang publiko sa pekeng inspector na si Albert A. Torres.

Napag-alaman na nag-inspeksyon si Torres at nanghihingi ng pera mula sa mga bussiness establishments sa Chinatown area.

Pinayuhan din ang mga bussiness establishments na hingan ng mission order ang inspector at kumpirmahin ito sa Bureau of Permits sa pamamagitan ng pagtawag o email.

Paalala pa ng departamento, agad magsumbong sa barangay o pinakamalapit na police station upang mapigilan ang patuloy na panloloko ng mga ganitong indibidwal.

If you have been a victim or you have seen this fake inspector in your area, we are encouraging you to immediately report to the Barangay or to the nearest police station to prevent his continuous fraudulent act and be sanctioned under the law.”

Ayon pa sa departamento, nakipag-ugnayan na sila sa tanggapan ng Special Mayor’s Reaction Team o SMaRT para maaresto ang nasabing impostor. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.